Buod ng "Paglalayag sa Puso ng Isang Bata"
ni Genoveva Edroza Matute
Maaaring binata o ama na siya ngayon, kung nakaligtas siya sa nakaraang digmaan. Sa akin ay hindi siya binata, ama o isang alaala ng Bataan. Siya'y mananatiling walong taong gulang na bata.
Ilang taon man ang dumaan, lagi ko pa rin siyang maaalala sapagkat isang araw siya ay aking naging guro.
Naiiba siya sa aming klasae, pangit, maliit, bilog at pipis ang ilong, at mayroon siyang nakakatawang tono sa pagsasalita. Ngunit mayroong bagay na kaibig-ibig sa kanya, sapagkat matulungin siya. Nagtataka pa nga ako sa kanyang pagiging mahiyain. Nalaman ko naman ang katotohanang siya'y nisang munting ulilang bata na lumuwas sa lungsod para maging utusan.
Nadama ko ang kakaibang kalungkutan. Nais kong maging katulad siya ng ibang bata na masayang naglalaro.
Pinagagawa ko siya ng maraming bagay para sa akin. Ang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-uugnay sa amin ng pangit na ito. Lagi ko siyang naaasahan. Unti-unti ko namang nararamdaman ang kanyang kasiyahan sa pag-aakalang nagmamalasakit ako at may gusto sa kanya.
Nakikita ko na siyang nakikipaglaro at nakikipaghabulan tulad ng isang normal na bata. Kinakausap ko pa siya at sumasagot siya ng pagaril sa Tagalog. Masigla na rin siya kung sumagot ng "GoodBye Teacher". Ngayon ay tiyak ko na hindi na siya totoong napag-iisa at hindi na siya nalulumbay.
Ang paraan na pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal. Maligaya na siya.
Isang araw, sa paglingon ko sa mga dumadaang tao'y naamin ko sa aking sarili na kasalanan ko ang nagyari. Mainit non ang aking ulo at nagawa ko ang di dapat gawin. Matindi ang galit ko sa kanya. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa't kalumbayan, ang mabagal na paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanya siya'y mahalaga at minamahal. Nang hapong iyon ay bumalik siya sa dating siya. Hindi niya ako pinapansin ni minsan lamang. Naisip kong galit siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan ako, at nasantabi ang pagmamahal niya sa akin.
Tila may binubulong kapasiyahan sa kanyang loob.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito itinatanong kong paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin.
Ang mga mata niya'y nakipagsalubungan sa akin at nagsabing "GoodBye Teacher". At umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Naggunita ko ang pagpapakumbaba sa kalakhan ng puso ng munting batang yaon. Nang sandaling yaon, siya ang aking guro.
This is an entertaining short story for me
ReplyDelete#pagliliyagsapusongisangbata
Nagalit siya kasi padabog na nakipag-usap ang estudyante sa kanya
ReplyDeletehmmm st therese private school?
DeleteWOW VERY INTERISTING
ReplyDeleteHarrah's Cherokee Casino and Resort announces opening
ReplyDelete› harrah-s-cherokee-casino-and- › harrah-s-cherokee-casino-and- 전주 출장안마 Harrah's Cherokee Casino and Resort 거제 출장샵 has announced its opening day, 의정부 출장샵 opening day and Harrah's Cherokee Casino Resort - Kambi - Harrah's 춘천 출장안마 Cherokee Casino 구리 출장샵 Resort